Saturday, May 29, 2010

Ika labing anim ng Hunyo 2003 - ika pitong anibersaryo =)


june 16, 2003, maulan nun... naalala ko aligaga kami ni renner sa umaga maghanap ng manequin, kc dun daw isasabit ang wedding dress ko. yes, (hindi gown, Jehovah kc c daddy ko, bawal ang church wedding... kaya civil marriage na bongga)... matuloy tayo sa kwento, kailangan ko pa sunduin ang aking stylist at kuhanin ang bouquet sa florist. Patay na! mga 6pm ang kasal... 430 nasa lansangan pa kami ng groom to be ko... eh shempre mag make up pa ako, video-video, pichur-pichur, etc... Pero sige pa din kami... tuloy ang ligaya, tuloy ang kasal! wala ng pipigil sabi nga namin ni renner... (oo nga pala. ako lang ata ang kinasal na hindi naka manicure ang kamay dahil sa sobrang busy sa asikaso ng pagmudmod ng invitation)

Pag uwi ko ng bahay, sabi ng stylist, bruha maligo ka na at "YELOHIN MO MUKHA MO!" - sabi ko ano gilbert? oo! yelohin mo sabi nya! well, eto pagkatapos maligo ang pagod na bride to be o ang 'bida' ng kasal eh, nag yeyelo ng mukha, feeling ko pinapatigas na karne yung mukha ko... 30 minutes ko ginawa yun.. pictorial dito, upo sa kama, yelo ng mukha, tapos pose with stylist, yelo ng mukha ulit, alternate... manhid na ako... kabado at di ko maintindihang feeling na ikakasal... (ganun pala yun, im sure the brides can relate to me) after ng ni-yelo kong mukha, make up, blower at TIARA (naks feeling princess ang bida), eh maganda naman ang kinalabasan ng itsura ko :) salamat sa yelo. yun pala ang sikreto ng fresh aura ng face...

wala akong mapakitang picture dahil nasa pinas ang album, eh nasa Qatar ako kaya use ur imagination na lang hehe, pero ito may isa, na swertehang may picture kami sa wallet ni renner)




nwei, bihis na ang bida, suot ang high heels...sakay sa bridal car o kotse ni daddy na ewan ko parang ang bagal tumakbo,(sinasadya ata kc di nya matanggap na ang kanyang litle girl ay mapapasa ibang kamay na - nakakiyak...hay) nagtext na ang barkada nasa venue na sila... ako naman kabado. Pagdating sa venue, nakita ko mga friends ko-sa work, high school friends, kamag anak, at mga bitbit ng kamag anak namin na kapitbahay nila at iba pang bisita na mga mukhang parang gusto lang maki-lafang hehe... (hindi nasunod ang rsvp) tumugtog na ang aming "theme song" kuno :)




tuloy ang kwento, while the song was playing (i-click ang video sa taas para ma feel nyo ang kwento), lakad ang mag asawang pagod.. nagsalita na si mayor... teka si mayor nga ba yun? hindi ata, isa sa mga alipores nya, di daw ata makakasipot may sabong :D ... Ayos naman, magaling magsalita, maka diyos ang kasal (born again ata sya)... kaya ending parang church wedding din, wala na ako maintindihan that day kc masakit na paa ko, nakikitawa na lang ako sa mga pangyayari pagnatawa ang guests
(di ko alam pero ganun ata yun, sa kaba siguro)... ang naalala ko na lang e, "Renner u may kiss the bride!!! "
Eto na, legal na kami! kissing scene in front of everybody...hehe... aw!!! palakpakan sila, mga bisita kamag anak, etc... at kami naman ng aligaga kong partner ay masaya kc KAINAN NA!!!


JULIE CORDERO-QUEJA na pala ako... at hanggang ngayon MRS. QUEJA pa rin, at mananatiling MRS. QUEJA hanggang sa pangako ko sa harap ng Diyos, sa batas at sa tao...

maligayang ika-7 anibersaryo renner... :)





ITUTULOY...

2 comments:

  1. ang sweet naman! ang ganda naman ng blog mo sistah! :)

    ReplyDelete