Thursday, November 8, 2012

all the BEST!!!
THE BEST PERSON: - my LOLA Trining.She's the ONE and ONLY :) THE BEST FILIPINO DISH: - tie between, paella at papaitan! THE BEST STREET FOOD: - isaw shempre! THE BEST BEVERAGE: - black gulaman :) pwede humirit pa? watermelon shake! THE BEST RESTAURANT: - japanese! THE BEST FRUIT: - mango THE BEST CANDY: - lahat ng cinnamon pak yun! THE BEST CHEWING/BUBBLE GUM: - extra, trident! THE BEST PLACE THERE IN THE PHILS: - palawan! THE BEST CIGARETTE: - dunhill switch (silver blue), peel orange THE BEST BEER: - stella artois THE BEST PULUTAN: - sisig at mani THE BEST PLACE FOR INUMAN: - yung comfortable at walang epal! THE BEST PIECE OF CLOTHING: - sleevelees! THE BEST BOUTIQUE THERE IN THE PHILS: - bayo! THE BEST FOOTWEAR: - cole haan sa sapatos, fit flop sa tsinelas THE BEST ACCESSORY: - hikaw yung dako! THE BEST COLOR: - purple! THE BEST BAG: - hay shempre hermes birkin or goyard, customized dapat with my initials! THE BEST MALL: - rockwell THE BEST KIND OF PANTS: - 7 for all mankind, levis! THE BEST FRIEND: - RENNER THE WORST ENEMY: - zombadings! THE BEST ANNOYING PERSON: - april boy! haha peace! THE BEST GALANTE PERSON: - kristine allen abuan! THE BEST CAR - maserati, bentley THE BEST WATCH - Rolex THE BEST JEWELRY - Bvlgari, Charriol THE BEST COUNTRY TO VACATION - Maldives THE BEST BEACH - Amanpulo THE BEST SINGER - Gary V! (opm) and marcela mangabeira THE BEST OPM SONG - Only you side A THE BEST PLACE TO DATE - sa motel! para walang abala hahaha =) charot! THE BEST ACTOR - John LLoyd wafu! THE BEST ACTRESS - pokwang! chos! THE BEST SEXUAL POSITION - Woman on top! THE BEST JUNK FOOD - chicharon THE BEST PART OF YOUR BODY - brains! THE BEST BDAY GIFT - my offspring! THE BEST MOVIE - Pretty Woman THE BEST ROCK BAND - Eraserheads! THE BEST SHAMPOO - Dove THE BEST CONDITIONER - Dove ulit! tahkah! THE BEST SOAP - Ivory or Jergens THE BEST CARTOON CHARACTER - Arnold and Helga (HEY! Arnold) THE BEST LOVE TEAM - Sasa and GEGE THE BEST MERIENDA - Turon!!!! SIMPLY THE BEST.... xoxo, Julie

Wednesday, November 7, 2012

33 and counting! Haberday to me na!

32 years of existence in this life. Ano naman kaya ang pasabog pag ika-33 ko na??? I've learned a lot in life, na witness ko na rin ang sari-saring sigalot sa buhay, pero eto pa din, matatag. I am thankful dahil matured na ako, (a lot talaga) at masaya sa buhay, career, marriage at social life. I could not ask for more... pero shempre meron akong isang wish... I want to be called a 'MOM' someday, and I am keeping my fingers cro ssed that our bundle of joy will be given to us in due time. But my husband and I,already compromised na pwedeng 'wala' kc may dahilan at alam ko kaya namin...kaya ganun. Sabi nga eh: "Everything will be OK in the end, if it's not OK, it's not the end.' So if you'll ask me kung ano ang wish ko... :) dapat alam nyo na! Wish me luck!

Monday, May 9, 2011

Surpassing the 7 Year Itch..Hello Year 8!!! To Infinity and beyond :)






COUPLE: Two items of the same kind; a pair.
Something that joins or connects two things together; a link.
(used with a sing. or pl. verb)
Two people united, as by betrothal or marriage.
Two people together.


But for us, it's much more profound, let's do our math:

JULIE + RENNER = COUPLE, much better definition. :)

As I write this blog, I can't help but realize how far we have become and how we were able to manage all the catastrophes that came to us. Storms bigger than the tsunami in Japan and hurricane Katrina, but hey, baby...we made it!!! we have surpassed the 7 year itch :D and here we are hitting BIG 8!!! 8 years of tears, laughter, pain, joy and our love for God binds and strengthens us.

It wasn't a fairy tale for us since we have started this relationship. You know very well, how people tried to meddle in our relationship and how they judged us and said that this isn't going to last...but here we are... together as a couple and still stronger.

I can't thank you enough for the things which you have done for me in the past 8 years...

I love you so much and HAPPY, HAPPY 8th ANNIVERSARY!!!

I am still and will always be....your baby :)

And this song is for you...

Wednesday, June 30, 2010

This is the first time i am proud to say I AM A FILIPINO.





June 30, 2010
Quirino Grandstand


His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations,Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.


Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din – talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito - dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.
Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;

· serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;

· tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili - lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, OWWA at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shalI defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Thursday, June 3, 2010

pacman at si mommy D =)



Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan.
Aling Dionisia: Talaga?...gusto ko gumanda!
Genie: Buksan mo ang bote.
Aling Dionisia: At gaganda na ako?
Genie: Hindi. Babalik na lang ako.



Pacman: Sabi ng titser ko, bakit daw ang eggplant walang egg?
Aling Dionisia: Sabihon mo sa titser mo, na pag me egg yun, turta na yan, TURTA!



Reporter: Nguang nanalo ka Manny, anong pasalubong mo kay Jinkee?
Manny: Ibon syempre. Mahilig sya dun e.
Reporter: Ibon? Anong klaseng ibon?
Manny: Yung mga lipstek, pangmik up ba? Basta mga Ibon products! Yo know…




Dionesia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.
Doctor (gulat) magpapasexsi ka na?
Dionesia: Breast sa ngipen ba. Para umayos yun ngepen ko! Deba uso yon?




Pacquiao: Wala, talo ka na kahit anung gawin mo.
Hatton: Pagandahan na lang tayo ng nanay!
Pacquiao: Ah! Wala namang ganyanan. I mean you know…




Aling Dionisia: Inday, akina nga yung seeds ko.
Inday: Bakit po magtatanim po ba kayo?
Aling Dionisia: Anung magtatanim sinasabi mo? Nasisilaw ang mata ko kaya kailangan ko yung seeds.




TINK U BIRI MATS!

joke time!



Mr: kung marunong ka lang sanang maglaba, eh di nakakatipid sana tayo ng
2000 sa maid.
Mrs: hmmph!! kung ikaw magaling sa kama , eh di nakatipid tayo ng 7500 sa
driver!

A black baby was given a pair of wings by a fairy....
Baby: does this mean I¢m an angel??
Fairy laughs....
Fairy: Of course not! negrang 'to, ambisyosa! Paniki ka!

In a petshop...
Customer (talking to a parrot): "Hoy! can you speak ha? can u
speak? BOBO!'....
Parrot: Yes, I can! Ikaw? Can u fly, ha? Can u fly? GAGO!

Q: Bakit tahimik magbukas ng medicine ang tanga??..... .........
A: Ayaw niyang magising ang mga sleeping pills.. Nyahaha!!

Nasa bubong ang sakristan, namboboso sa pari at madre.....
Madre: Pano pag nabuntis ako??
Pari: Bahala na ang nasa itaas!
Sakristan : 'Tang ina, bakit ako? Nanonood lang naman ako ah!


Good news! Walang badnews!
Tahanang walang hagdan,inakyat!
Isang bakla ginahasa,tuwang tuwa!
Unanong madre napagkamalang penguin!
Bulag nakapatay,nagdilim daw ang paningin!
Tindera ng suka,tinoyo!
Teacher nagkamali,tinuruan ng leksyon!
Basurero nagsampa ng kaso,binasura!
Tubero,nagkatulo!
Misis ng photographer,nakunan!
Isang buntis nasaksak,bata nakaiwas

english class...bawal ang magtaglog
pedro: mam may i go out
teacher: why
pedro: bicoz father, mother, me!
teacher: what?
pedro: tata, ina, ako!

JUAN; Tay ! Penge P20 bibili ako ng de lata.
TATAY: Anak, mga taga bukid lang ang gumagamit ng term na de lata! Englisin
mo yan!
JUAN: Paano?
TATAY: KANG GUD!

Pasyente: Magkano ang facelift???
Doktora: Complete treatment ay P145,000
Pasyente: mahal!!! ano bang pinakamurang treatment para magmukha akong
bata??
Doktora: eto tsupon, P20 lang!!!

Marvin: Tatang, naiinom po ba `yung tubig dito?
Tatang: Nasa sa `yo `yan, iho, kung gusto mong nguyain

Mula sa probinsya, lumuwas ang mag-ama pa-Maynila. Nakakita sila ng eroplano.
Anak: ` Tay ! Krus! Ang laking Krus!
Tatay: (binatukan ang anak) Nakita mo nang Krus, eh… lumuhod tayo!

Nanay: Ano `tong malaking zero sa test paper mo?
Anak: Hindi po `yan zero, `Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang `yan, `Nay, promise!

Umiihi ang dalawang lasing…
Marvin: Ang sarap umihi pag nakainom ng beer!
Jayson: Oo, pero bakit basambasa ang pantalon mo?
Marvin: (tumingin sa pantalon) `Tang `na! Itlog ko ang nailabas ko!

Sa isang barberya, sinabihan ng barbero si Mang Tomas, "Boss, isubo
n'yo itong maliit na bola para bumukol sa pisngi ninyo at mas pulido at madali ang pag-ahit."
Tumalima si Mang Tomas. Pagkatapos ng ahitan, iniluwa ni Mang Tomas
ang bola, "Okey `to, ah?! Pero paano pag nalunok ko?"
Sagot ng barbero, "Ibalik mo kinabukasan pag naitae mo na tulad ng
ginagawa ng ibang kustomer."

Boy: Nanang, ingat po kayo riyan… Nangangagat ho ang mga aso riyan…
Nanang: Alam ko, iho. Sa tanda kong ito, wala pa akong nakitang aso na nanununtok. Adik ka ba?

Annie: Jorge, tikman mo itong cake ko, masarap. Gawa ng nanay ko…
Jorge: Ikaw na lang ang titikman ko. Tutal, gawa ka rin ng nanay mo!

Misis: Hon, bakit ba ang dumi-dumi mo at ang baho pa?!
Mister: Nakita mo ba `yung maliit na imburnal na `yun?
Misis: Oo…
Mister: Puwes… ako, hindi ko nakita!

Daddy: Anak, bading ka ba?
Junior: Aba , dad! Alam n'yo ba na takot sa akin ang mga classmate ko? Respetado ako sa school!
Daddy: Talaga, anak?
Junior: Oo, dad! Ang tawag nga nila sa akin, `Mahal na Reyna'!

Nardo: Apply po ako ng sundalo, sir.
Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!
Nardo: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, kagatan na ang labanan?

A lizard fell on a table.
Genius: Oh! reptila scincidae
Kikay: ew, lizard!
Astig: Shit, butiki!
Mataray: shucks, butiks!
Mayaman: Yuck! Lacoste!
Mahirap: Pare, ulam

Bakit " S " ang nasa costume ni Superman?
Wala na kasing medium!
Napansin mo, fit masyado, di ba?


Ice cream ba talaga yung ini-endorse ni Pacquiao sa TV ad nya na
Nestle Ice Cream?
Akala ko kasi, sopdrinks.
Kasi, sabi nya, " Oh mga bata, Mirinda na ! "

Use "Bampira" in a sentence!
Ahmm, Dodong. Pautang naman, meron ka bampira ?!

Boy1: Bakit mo ako sinuntok?
Boy2: Tinawag mo akong hipopotamus!
Boy1: Last year pa yon! Tarantado!
Boy2: Eh kanina ko lang nakita picture ng hippopotamus, bobo!

Hindi makapagtimpla ng juice si Inday.
Tahimik lang syang nakatitig sa bote ng juice.
Dahil nakasulat: C o n c e n t r a t e

Loi: "Love, may mga friends ako na nagpa-enhance ng boobs.
Okey lang ba sayo kung magpadagdag din ako?
Erap: "Ewan ko, parang hindi yata bagay sa'yo
ang tatlong suso!!!"

Monday, May 31, 2010

Courtship, marriage and after marriage?? a look back =)



"Ligaw or courtship" is something we girls love. Ito kc ang time na pwede naming abusuhin ang mga lalaki at ito rin yung panahon na pwede kaming mag demand, hehe (guys malas nyo lang, pero thats the way it is... I think di na rin siguro uso masyado palibre ng girls ngayon. salamat sa mga "ms. independent" careerwoman who offers to split the bill)

Sa ligawan stage..umuulan ng flowers, chocolates, at ususal dates sa mall, movie at kung ano ano. NOT FOR ME. It wasn't the same for us (during the primitive stage) I was still in a relationship ng binigay ang matamis kong "OO" kay renner.(BAD GIRL iisipin nyo, pero hinde e, hindi ganun yun, makinig muna sa kwento ko...)

I had a long time relationship sa aking mukhang uhuging patpating jowa na kung tawagin ng tito ko eh, "ANDREW E." sa lola ko naman e "SCARECROW", yes! you heard me right, yun yung pantakot ng ibon sa bukid... at sa iba kung kaibigan eh si MR. FEELING! (kawawa naman hehe, nilibak ng husto!) nwei, ayun, we are heading our 3rd year (almost!) pero it was rocky, shaky, and parang walang essence... in short tumatagal ng walang patutunguhan. I had my share of really, as in REALLY bad times with him and his family, reason why ang beauty ko eh, super depressed at so down and out talaga... ayoko ng mag elaborate kung anomang karumaldumal ang sinapit ko sa PANGIT na yun hehe... pero, I think si daddy na rin ang gumawa ng paraan to get close to my prince charming...si mr. tangkad or renner :) (naks!)

Op, op, op!!! di ganun kadali yun, matuloy tayo, kaya ko nasabi na si daddy ang tulay eh, without my knowledge, he enrolled me sa gym and spa sa may 3CG (dun din nag part time si renner). There, my dad met my future barkada, si dhie (kasama na sila suzanne, gina, marianne, evie, omel, ning, donna, sharon, carol, tita au, eman, che,igme, yunan,rachel etc..) ayun, nagulat ako kc my dad said, I just had to go there, bayad na lahat, enrolled na ako...so I did. It was his way of finding a way for me to get out of panget. I suppose.

So ayun, to make the story of courtship short, habang nag ja-jumping jack dalawa ako, basic right and left, power travel right at rocky horse... my story began... I began to be friends with renner.

Renner or "QUEJA" - suplado at pihikan..yan lang ang dalawang salita to best describe him sabi nila dhie about him,by the way, classmates sila eversince, Physical Theraphy ang course nila.

Pero, shempre, uubra ba ang suplado sa akin????

Hindi rin!!! talagang HINDI RIN!!! Kinulit kulit ko sya, kinausap, naging close,binigyan ng CUP NOODLES, ayun... bumigay din!!!!ayos! textmate na kami!!!! ayun, tuwing ginagawa ko yung paglundag lundag na namention ko sa taas, panay kindat ni renner, padaan daan, pa dila dila...pa cute cute.

Ako naman nagpadala...oooops! Teka nakalimot! Di pa pala kami totally break ni panget. So habang namumulaklak ang aming friendship or budding romance ika nga ni renner e, nakaka amoy si panget. naamoy nya na, si renner ay... nag dra-drawing ng heart sa salamin, nangingindat, nagpapa cute and who is constantly texting me and... most of all... nag 'i love you' na sa text (kilig!!! wooooooooooow naman...)

Pero tsk! patay na!!!! nalaman nya na may "churva" kami ni renner. sugod si panget! mag aamok pa nga eh! pero it came to a point na nagharap sila and i had to chose, dahil i was asked. I honestly said... si renner hindi ikaw. ( maski, hindi pa talagang 'kami' na matatawag, pero I gave it a shot. pinili ko sya over 3 years namin ni panget... maski pano naisip ko may future ako sa kanya, nararamdaman ko, sinisigaw ng puso ko and dinasal ko nung araw na yun na si renner na talaga)

Nakakatakot din kc, sayang yung panahon, oras, memories... pero that same night, officially kami na. Kinabukasan,nalaman na sa gym at spa na kami na. MASAYA ang iba... pero di ang lahat... sila yung naglilibak sa pinagdaanan ko at kung bakit daw na ako pa ang pinili ni renner sa dami ng babae na pinakilala nila. Gulat sila... AKO KC ANG FIRST GIRLFRIEND NI RENNER. Marami nagsabi na hindi kami magtatagal... marami rin nagsabi na trip lang daw yun...may iba din na hindi pumansin sa amin, hindi ko alam kung bakit. Masaya na masakit, pero eto na... kami na... tuloy na... laban na!

Thankfully, Renner was man enough to shield me from the criticism, detractors and he faced my dad, mom and the rest of the family. Tinanggap naman sya ng pamilya ko ng buo and my dad sees him as "SAVIOUR" for bringing me back to life and for accepting my past and flaws.

He became friends with my dad. They were very close and the sight of seeing them laugh and talk together was heavenly.

THIS IS IT!!! 7 months after... kasalan na! JUNE 16, 2003. It was the date! :)



{Ang kwento ng kasal.... nasa isang blog =)}

I hope, after this year... OUR 7th year, magiging strong pa rin kami ni renner. Sana, hindi kami maapektuhan ng kahit sinong tao, bagay, hayop o pook (Pangngalan o noun ba ito? hehe)... seriously, maski siguro bungi na kami at puti na buhok, naihi na kami sa aming diapers (haha... I cannot imagine), I literally wanna grow old with him.



I hope more years of marriage to come.. katulad noon, hindi ko rin alam what is there for us in the coming years, but surely... he is definitely the only person whom I wanna share my rocking chair days with... at kahit ulyanin na sya, I will never get tired of reminding him that I was 'THE ONE', he spent his enitre lifetime with :)

P.S.

Thank you sa mga taong nag judge sa amin, good or bad, kc it made us stronger, sturdier and wiser.

Sa mga nanlibak noon at may plano sa ngayon, magbaril na lang kayo hehe :) or talon sa ilog... tubuan sana kayo ng sungay sa kilay :)) {JOKE LANG :)}